Life hatol sa 2 Chinese na kidnaper
MANILA, Philippines — Habambuhay na pagkakulong ang inihatol ng Parañaque Regional Trial Court sa dalawang Chinese national na napatunayang guilty sa kasong kidnapping for ransom.
Ang mga hinatulan ay kinilalang sina Zhihua Liu at Yuqiong Zhu na kapwa inaresto ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation-Task Force Against Illegal Drugs (NBI-TFAID) noong Disyembre 13, 2020 sa Nuwa Hotel, City of Dreams, Parañaque City, matapos kidnapin ang biktimang si Zheng Xibing.
Napatunayan ng prosekyusyon ang pagkakaroon ng lahat ng elemento ng kidnapping for ransom,” as the accused conspired, and willfully, unlawfully, and feloniously kidnapped Zheng Xibing” na ikinulong sa isang silid sa Nuwa Hotel, City of Dreams, Parañaque City habang hinihintay ang ransom na nagkakahalaga ng RMB 136,000.00 o katumbas ng P1-milyon.
Noong Disyembre 2, 2022, inilabas ang hatol ng RTC, Branch 295 sa dalawang Chinese ng reclusion perpetua o habambuhay na pagkabilanggo na hindi maaring makakuha ng parole.
- Latest