^

Police Metro

AFP: Walang banta sa seguridad

Doris Franche - Pang-masa

Kasunod ng pagpanaw ni Joma

MANILA, Philippines — Walang nakikitang paparating na banta sa seguridad ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kasunod ng pagpanaw ng founding chairman ng Communist Party of the Philippines (CPP) na si Jose Maria “Joma” Sison, na nasa self-exile sa ­Netherlands, sa edad 83.

“Sa ngayon, wala naman kaming nakikitang problema or pangamba dahil sa pagkamatay ni Joma”, wika ni AFP acting spokesperson Colonel Medel Aguilar.

“In fact, tuluy-tuloy ‘yung pagbaba ng bilang ng kanilang mga kasapi at saka mga supporters.Patuloy din na bumabalik loob ‘yung kanilang mga armadong… ‘yung mga combatants nila tsaka ‘yung mga supporters nila, ‘yung mass bases and even some members of the underground mass organizations. Ito ay magandang indication,” dagdag na  nito.

Ayon pa kay Aguilar, ang pagkamatay ni Sison ay maaaring makapagbigay ng kapayapaan sa bansa habang patuloy naman ang ginagawa ng gobyerno sa pagsusulong ng peace talks sa community level.

Naniniwala si Aguilar na posibleng maging susi sa pagkakaisa at pagpapatuloy ng peace talks ang pagkamatay  ni Sison.

Sa pagpanaw ni Sison, muling nananawagan ang NTF-ELCAC sa lahat ng mga kahanay at kaalyado ng kanyang kilusan na iwan na ang marahas at armadong pakikibaka, mag balik-loob at suportahan ang isang mapayapang lipunan, at mamuhay nang matiwasay at naaayon sa batas.

JOMA SISON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with