^

Police Metro

Presyo ng asukal bumaba na — DA

Angie dela Cruz - Pang-masa
Presyo ng asukal bumaba na â DA
Sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Kristine Evangelista sapat ang suplay ng asukal sa ngayon kumpara noong mga naka­raang buwan makaraang mag-ani ang mga sugar farmers ng tubo.

MANILA, Philippines — Bumaba na ang presyo ng asukal sa P95 kada kilo at sapat ang suplay nito hanggang sa susunod na taon.

Sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Kristine Evangelista sapat ang suplay ng asukal sa ngayon kumpara noong mga naka­raang buwan makaraang mag-ani ang mga sugar farmers ng tubo.

“Nakikita na natin na there were months na P120 umabot ang ating refined, ngayon nasa P95 na po,” sabi ni Evangelista.

Anya, patuloy ang ko­ordinasyon ng Sugar Re­gulatory Authority (SRA) sa local traders para  ma­ging stable ang presyuhan ng asukal at suplay nito sa bansa.

Hindi anya kukulangin­ ang suplay ng asukal hang­gang sa pagpasok ng su­sunod na taon kahit na in-demand ito ngayong holiday season.

“That is the objective. We are looking at the cost structure, now we see it at P95. Although meron tayong of course tinitignan na pwedeng mag-P90, pero meron tayong­ kino-consider na factors, also taking into conside­ration ‘yung mga movement ng gasolina,” sabi pa ni Evangelista.

ASUKAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with