^

Police Metro

Suplay ng tubig, sapat hanggang 2023 - MWSS

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inanunsyo kahapon ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na sapat ang suplay ng tubig sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan hanggang sa susunod na taong 2023.

“I think we don’t have any concern or problem with regard to the water situation this year up to December and also up to next year,” sabi ni MWSS administrator Leonor Cleofas.

Ani Cleofas, bagama’t ang karamihan ng pinagkukunan ng tubig ay mula sa Angat Dam, marami pa namang ibang mga sources na pinagmumulan ng tubig para isuplay sa Metro Manila at karatig lalawigan.

“This is because of our Umiray River. We have the Umiray tunnel that augments the water in Angat,” sabi ni Cleofas.

Aniya, ang Umiray-Angat Transbasin Rehabilitation Project ay dinisenyo para magbigay ng dagdag na tubig sa Angat Water System.

Sa latest monitoring, ang water level ng Angat Dam ay umaabot sa 208 metro na bahagyang mababa sa 210 metro na normal na water level sa dam.

Ang Angat ang nagsusuplay ng 90 porsyento ng  tubig sa Kalakhang Maynila.

“Although our target is 210 meters so we are almost there, we want to maximize [that] up to 212 meters and also as I’ve said, we have other sources like the Cardona and Putatan water treatment plants that draw water from Laguna Lake and also this one,” dagdag ni Cleofas.

METROPOLITAN WATERWORKS AND SEWERAGE SYSTEM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with