^

Police Metro

Mga balitang pinagkaguluhan at pinakatumatak sa masa ngayong 2022

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isa na marahil sa mga balitang pinagkaguluhan at pinakatumatak sa masa na ibinandera ng PM sa taong 2022 ay ang makasaysayang May 2022 national election partikular na sa kandidatong presidente at bise presidente .

Sa pagdiriwang ng ika-19 anibersaryo ng PM, isa sa maituturing na kumintal sa alaala ng mga masugid na mambabasa ng pahayagang ito ay ang matinding labanan ng mga presidentiables at vice presidentiables.

Noong una pa man ay dinudumog na ang motorcade ng noo’y si presidential candidate Ferdinand “Bongbong “ Marcos Jr., ang pambato ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) at ng running mate nitong si dating Davao City Mayor Sara Duterte ng Lakas-CMD.

Saan mang panig ng bansa ay naging malakas ang sigaw ng mga taga suporta at mga botante ng ‘BBM, Sara‘; kapwa ng Uniteam Alliance  na nasaksihan mismo ng reporter na ito na nag-cover sa dalawang malalakas  na kandidato na mistulang bagyo ang dating kumpara sa kanilang mga nakalaban sa pulitika.

Sa kampanya partikular na sa ‘miting-de- avance’ sa Guimbal, Iloilo; Digos City, Davao del Sur at  National Capital Region (NCR) ilang araw bago ang botohan ay lutang na lutang ang lakas ng tambalang BBM-Sara  na tunay na namayagpag, hindi drawing o ulo ng sibuyas na sinasabing photo shoot at lalong hindi biro kundi nagdudumilat na katotohanan.

 Nasaksihan mismo ng PM na sa huling araw mismo ng kampanya ay umabot sa 1 milyong katao ang dumalo sa ‘miting-de- avance’ nina BBM-Sara sa National Capital Region kung saan dito pa lamang ay malinaw na kung sino ang magwawagi sa mismong araw ng halalan na itinakda noong May 9, 2022.

 Naikober at sinubaybayan ng pahayagang ito ang nais na pagbabago ng milyon-milyong botante kung saan naging mabunga at nag-click ang istratehiya sa kampanya ni BBM. Si dating MMDA Chairman Benhur Abalos ang campaign manager ni BBM habang sina da­ting Majority Leader at ngayon ay Speaker Martin Romualdez gayundin si Davao Occidental Gov. Clyde Bautista naman para kay Inday Sara.

Sa kampanya sa mga katagang ‘Sama-sama tayong babangong muli’ ay pagkakaisa para sa pag­unlad ng bansa at pagba­ngon ng ekonomiya mula sa pandemya ang naging bahagi ng plataforma sa gobyerno ang inilahad nina BBM at Sara gayundin ang paglikha ng trabaho, pagpapabuti ng edukasyon, kalusugan, turismo, imprastraktura, agrikultura at iba pa.

Kapwa nagwagi sa May 9 national polls sina BBM at Sara na patunay lamang na sawa na ang tao sa nagbabagang poot na istilo ng kampanya o ang character assassination na hindi pinatulan ng dalawang intelihenteng kandidato na pinatunayan ang kanilang propesyuna­lismo na hindi mapagpatol sa mga nagma-marites.

Tunay na tumatak sa mga mambabasa ng PM ang kababaang loob at katatagan na ipinamalas nina BBM na pinatunayan ang kaniyang pagiging statesman at Inday Sara Duterte na hindi nambato ng putik sa kanilang mga kalaban pero sa bandang huli ay nasungkit ang tagumpay.

Sa nakuhang mahigit 31 milyong boto ni Pa­ngulong BBM at 32.2 mil­yon naman para kay Inday Sara ay malinaw ang boses ng mga Pilipino na ang mapalad na tandem ang nais nilang mamuno sa bansa.

Ang malayong panga­lawa na si dating Vice President Leni Robredo ay nakakuha lamang ng 15M boto sa pampanguluhan habang ang tandem nitong si Senador Kiko Pangilinan na pumangalawa rin kay Inday Sara ay nakakuha lamang ng 9.3 milyong boto.

Samantalang, nakabuti rin ang pagiging sports ng kanilang mga nakatunggali na tinanggap ang pagkatalo kina BBM-Sara. Kabilang dito ay ang tambalan nina Senador Panfilo Lacson at Senador Vicente Sotto III; Robredo at Pangilinan; Senador Manny Pacquiao at running mate nitong si dating Buhay Partylist Rep. Lito Atienza; da­ting Manila Mayor Isko Moreno at tandem na si Doc Willie Ong at iba pa.

Iprinoklama sa joint session ng Kongreso ang pagwawagi nina BBM bilang ika-17 Pangulo ng bansa at Inday Sara bilang ika-15 Bise Presidente noong Mayo 25 ng taong ito.

Nanumpa sa tungkulin si Inday Sara bilang bagong Pangulo ng bansa noong Hunyo 19 habang si BBM naman ay noong Hunyo 30 o isang araw bago ito naupo sa puwesto.

Nagpahitik sa kasaysayan ng Pilipinas na ang dalawang running mate sa katauhan ni BBM at Inday Sara ay kapwa landslide victory kumpara sa kanilang mga katunggali na nakakuha lamang ng kalahati sa nakopo ng mga itong boto ng mga Pinoy.

Itinuturing naman na ang pagwawagi ng Uniteam nina BBM at Inday Sara ay isang tagumpay ng demokrasya sa bansa.

NATIONAL ELECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with