Nakararaming Pinoy, mas gustong cash gift ang matanggap sa Pasko
MANILA, Philippines — Ang regalong cash ang mas gustong matanggap ng nakakaraming Pinoy ngayong Kapaskuhan, ayon sa isang survey.
Base sa survey ng Veritas Truth Survey (VTS) nitong November 1 hanggang November 30, tinanong sa may 1,200 respondent nationwide ang katagang-- “Ikaw, anong regalo ang gusto mong matanggap ngayong Christmas?”
Sa survey, lumabas na may 38 percent ng mga Pinoy ay gustong makatanggap ng “Gift in Cash” (GC) na regalo ngayong Kapaskuhan.
May 32-percent ang gusto ay “Gift in Kind”, 22 percent ang nagsabing cash o kind ang nais na matanggap na regalo sa Kapaskuhan habang 8 percent naman ay undecided.
Inihayag ni VTS head Bro. Clifford Sorita na 39 percent ng babaeng respondents ang nagnanais na makatanggap ng cash gifts habang 37 percent ay mga lalaki.
Nasa 33 percent naman ng mga kababaihan ang nais na in-Kind ang matanggap na regalo samantalang 32 percent sa mga lalaki.
May 27 percent naman ng mga lalaki ang nagsabi na kahit cash o in-kind ang matanggap na regalo sa Pasko at 18 percent ng mga babae ang nagsabi na okey lamang kung cash o in-kind. Nasa 4 percent din ng mga lalaki ang undecided at 10% ng mga babae ang undecided.
Sa mga may edad 13 years old hanggang 20 anyos ay may 58 percent ang gustong Gift in Kind, 17 percent ang Gift in Cash, 17 percent ang cash o in-kind at 8 percent ay undecided.
Sa mga 21-39 anyos, may 53 percent ang may gusto ng cash gift sa Pasko, 25 percent “in kind”, 15 percent ay puwedeng cash o in-kind at 7 undecided.
Ayon kay Fr. Anton Pascual, Pangulo ng Radio Veritas, na hindi mahalaga kung cash gift o in kind ang matatanggap ngayong Christmas kundi ang mahalaga sa pagbibigay ng regalo ay pagmamahal.
- Latest