Roderick Paulate kulong sa ghost employee scam
MANILA, Philippines — Hinatulang guilty ng Sandiganbayan ang aktor at dating Quezon City Councilor na si Roderick Paulate dahil sa isang kasong graft at siyam na kaso ng falsification of documents kaugnay ng pagkuha ng “ghost employees” noong 2010.
Si Paulate ay hinatulan ng 7th Division ng Sandiganbayan ng anim hanggang 8 taong pagkakabilanggo sa kasong graft at anim na buwan hanggang anim na taon sa bawat count ng falsification of public documents.
Kung pagsasama-samahin si Paulate ay maaring mabilanggo ng 10 taon hanggang anim na buwan at 62 taon sa lahat ng kaso nito.
Bukod kay Paulate nahatulan din sa kasong graft ang driver at liason officer nitong si Vicente Bajamund.
Magugunita na matapos magwagi sa halalan noong 2010 bilang Councilor ng ikalawang distrito ng Quezon City ay tinanggal sa puwesto si Paulate dahilan sa umano’y anomalya sa hiring ng mga ghost employees mula Hulyo hanggang Nobyembre ng nasabing taon.
Ang kaso laban kay Paulate ay inihain ng Office of the Ombudsman noong 2018 kung saan pinalsipika ng actor-politician ang Job Order/Contract of Service kabilang ang mga lagda ng mg pekeng kontraktor para maipalabas ang pondo ng pamahalaan lungsod sa suweldo ng mga ghost employees.
Maliban sa hatol na pagkakabilanggo ay inatasan din ng anti-graft court si Paulate na magbayad ng mulang P10,000 sa bawat isang count ng falsification offense o kabuuang P 90,000 at diskuwalipikado na ito sa pagtakbo sa anumang posisyon sa gobyerno.
- Latest