^

Police Metro

Poultry products mula Japan, Hungary at California binawal ng DA

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bunsod ng banta ng bird flu ay pinairal ng Department of Agriculture (DA) ang temporary ban sa importasyon ng poultry products mula Japan, Hungary at California.

Ang kautusan ay naka­paloob sa DA Memorandum Orders (MO) No. 69, 70 at 71 na nilagdaan ni Undersecretary Domingo Panganiban.

Sa nasabing MO, ang importasyon ng domestic at wild birds at kanilang pro­dukto kabilang ang kar­ne, sisiw, itlog at semen sa mga naturang lugar ay pan­samantalang ipinagbabawal.

Sinuspendi rin ng DA ang pagproseso, evaluation ng application at pag-iisyu ng Sanitary and Phytosanitary (SPS) import clearance sa mga nasabing kalakal.

Hindi naman naba­baha­la ang United Broilers Raisers Association (UBRA) sa pinairal ng im­port ban ng DA dahil mayroon naman umanong sapat na suplay ng manok hanggang pagsapit ng Pasko.

POULTRY PRODUCTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with