^

Police Metro

US tutulong sa Pinas sa ‘nuclear power’

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa posibleng kasundu­an sa pagtatatag ng plantang nukleyar ay nag-uum­pisa na ang Pilipinas at Estados Unidos na mag-usap.

Ngunit iginiit ng opis­yal ng Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) na bukas pa sila sa pakikipag-usap sa ibang bansa.

Matatandaan na inihayag ni US Vice President Kamala Harris sa kaniyang pagbisita sa Pilipinas  nang nakaraang linggo ang “123 agreement” sa pagitan ng Manila at Washington na magbibigay ng basehang legal sa pag-export ng American nuclear equipment sa Pilipinas.

“It does not lock us into the American negotiation policy. Bukas pa din tayo sa ibang bansa,” pagtitiyak naman ni Carlo Arcilla, exe­cutive director ng PNRI.

Kabilang sa nagpasabi na tutulong sa Pilipinas sa pangangailangang nuclear ang South Korea na mayron umanong planta na eksaktong modelo ng nasa bansa.

Ilan pa sa tinitingnan na opsyon ng gobyerno ang France, China at Japan na matagal nang gumagamit ng nuclear na enerhiya.

Ngunit ang South Korea umano ang pinakaaktibo at nag-alok na buhayin ang Bataan Nuclear Power Plant. 

Sa kabila nito, si Pa­ngu­long Ferdinand Marcos Jr. pa rin umano ang magdedesisyon ukol dito.

NUCLEAR POWER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with