^

Police Metro

Publiko binalaan ng DOH sa pekeng gamut sa online

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Binalaan ng Department of Health (DOH) ang publiko sa talamak na bentahan ng mga pekeng gamot sa online  na tumindi nitong kasagsagan ng lockdown dulot ng pandemya.

Ayon kay DOH Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire, “global public threat” na ang paglipana ng pekeng gamot dahil maaaring magkaroon ito ng masamang epekto sa kalusugan.

Sa pag-aakalang gaga­ling sa mas murang gamot na mabibili sa online, sinabi ni Vergeire na maa­aring lumala pa ang sakit at posibleng magkaroon ng masamang reaksyon kung gagamitin na may kumplikasyon sa ibang medikasyon ng pasyente.

Ayon naman sa Food and Drugs Administration (FDA), may ilang mga botika o manufacturer ang may opisyal na account sa mga online shopping platform ngunit mas marami ang seller na hindi lisensyado at mahirap ma-trace.

Sa datos ng PNP-Cri­minal Investigation and Detection Group, umabot na sa P53 milyong halaga ng pekeng COVID-19 test kits ang nakumpiska nila mula noong 2020.

Ngunit sa mga kasong naisampa, nasa 24% na ang nadismis dahil sa kakula­ngan ng sertipikasyon ng mga manufacturer na peke ang kanilang nakum­piskang mga ebidensya.

DOH

GAMOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with