MWSS inaprub ang dagdag-singil sa tubig
MANILA, Philippines — Inaprubahan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang kahilingan ng Maynilad at Manila Water para sa dagdag-singil sa tubig. Ayon sa anunsyo kahapon ng MWSS, ipatutupad ang dagdag-singil sa tubig kada taon, simula Enero 2023 hanggang 2027. Sa isinagawang rate rebasing, P.8.04 kada cubic meter ang magiging singil ng Manila Water habang P3.29 naman sa Maynilad. Depensa ng MWSS, ginagawa ang rate rebasing kada 5 taon kung saan kasama sa nirerebyu ang general tariff adjustment upang makapagtakda ng tamang singil ang mga water concessionaire.
- Latest