^

Police Metro

2 nasibak na Manila traffic enforcer timbog sa kotong

Danilo Garcia - Philippine Center for Investigative Journalism

MANILA, Philippines — Dalawang lalaki na dating mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang inaresto nang mahuli sila sa akto na nangongotong sa mga motorista kahapon ng madaling araw sa Pandacan, Maynila.

Kinilala ang mga naaresto na sina Rocky Macarian­, 34, ng Int. 61 Bo. Barona, Pandacan; at Jeromie Millel, 43, ng Concha Street, Tondo, mga dating miyembro ng MTPB na nasibak sa trabaho dahil sa mga kaso ng pangongotong.

Sa ulat ng Manila Police District-Special Mayors React Team (SMaRT), alas-3:00 ng madaling araw nang magkasa ng operasyon ang Special Operations Group ng MTPB sa may Quirino Avenue sa Pandacan bilang bahagi ng kanilang kampanya laban sa mga dati nilang tauhan na patuloy na nagpapanggap na traffic enforcers at nangongotong ng mga motorista.

Nahuli sa akto ang dalawang suspek na nakasuot ng MTPB uniform na namamara ng mga trak sa natu­rang lugar. Nang lalapitan ang dalawa ay bigla umanong lumayo sila at nagtanggal ng kanilang suot na uniporme at nagtatakbo hanggang masakote.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Usurpation of Authority of Official Functions at Illegal Used of Uniform and Insignia.

KOTONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with