^

Police Metro

Pinsala ni ‘Paeng’ pumalo na sa P6.8 bilyon, patay nasa 155 katao

Joy Cantos - Pang-masa
Pinsala ni ‘Paeng’ pumalo na sa P6.8 bilyon, patay nasa 155 katao
An aerial shot shows a flooded village in Tuguegarao, Cagayan province, north of Manila on October 30, 2022, a day after Tropical Storm Nalgae hit. Emergency workers scrambled to rescue residents trapped by floods in and around the Philippine capital on October 30 as Tropical Storm Nalgae swept out of the country after killing at least 48 people.
AFP / STR

MANILA, Philippines — Umaabot na sa P6.8 bil­yon ang iniwang pinsala ng bagyong Paeng sa agrikultura at imprastraktura habang pumalo na sa 155 katao ang naitalang death toll matapos na isa pang bangkay ang narekober, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Sabado ng hapon. Nairekord ng NDRRMC na P6.8 bilyon ang napinsala sa mga pananim gayundin sa imprastraktura dulot ng flashfloods at landslides.

Sa huling ulat naman ng Department of Agriculture (DA), nasa P3.16-bilyong halaga na ng agrikultura ang kanilang huling naitala sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Paeng.

Ayon sa DA, may nakalaan na P400 milyong pondo para sa Survival and Recovery (SURE) Loan Program ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC) kung saan maaaring mag-loan ang mga magsasaka na naapektuhan ng bagyo hanggang P25,000 at maaaring bayaran ito ng hanggang tatlong taon na walang interes.

Base sa pinakahuling report ng NDRRMC, 121 ang kumpirmadong nasawi habang 34 pa ang patuloy na isinasailalim sa beripikasyon ang pagkamatay.

Nabatid ng isa pang na­dagdag sa death toll ay naiulat mula sa CALABARZON o Region IV A.

Ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang nakapagtala ng pinakamaraming nasawi sa landslide at flashflood na umaabot sa 63 katao.

Nasa 4,230,460 katao naman ang naapektuhan ng bagyong Paeng matapos itong manalasa sa halos buong panig ng bansa kabilang dito ay ang nasa 111,910 katao na nanuluyan sa mga evacuation centers at 904,528 naman ang na­nuluyan sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan sa mga ligtas na lugar. – Angie dela Cruz

vuukle comment

TYPHOON PAENG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with