^

Police Metro

151 patay sa Halloween stampede sa South Korea

Ludy Bermudo - Pang-masa
151 patay sa Halloween stampede sa South Korea
Emergency service personnel are seen in the alley where a Halloween stampede took place late October 29, in the neighbourhood of Itaewon in Seoul on October 30, 2022. At least 149 people were killed and scores more were injured in a stampede at a packed Halloween event in central Seoul late on October 29, officials said, in one of South Korea's worst peacetime accidents.
Anthony Wallace / AFP

Walang Pinoy na nasugatan - DFA

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Department of Migrant Workers(DMWs) na walang naiulat na Pinoy na nasugatan o nasawi sa naganap na Halloween stampede sa Seoul, South Korea noong Sabado ng gabi.

“Per our labor attaché, no reports of OFWs hurt as of this time but they are still monitoring the situation,” ani Migrant Workers Secretary Susan Ople.

Sinabi rin kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi pa sila nakakatanggap ng ulat kung may Pinoy ang naging biktima sa nasabing stampede.

Sa pinakahuling ulat, hindi bababa sa 151 katao ang namatay at tinata­yang mahigit sa 150 naman ang nasugatan nang maganap ang stampede sa malaking pulutong ng mga dumalo na nagsiksikan at nagkatulakan sa isang eskinita, sa bahagi ng Itaewon District ng Seoul.

Sa ulat ng Reuters, ipinapakita sa social media footage ang daan-daang mga tao na nagkukumpulan sa isang makitid na slope o pataas na bahagi ay nadaganan at hindi na makakilos habang hini­hila ng emergency officials at mga pulis.

Marami sa sugatan ang nasa malubhang kondis­yon habang bi­nibigyan ng paunang lunas.

Kabilang din ang foreign nationals na dinala sa kalapit na pagamutan.

“The Embassy is closely monitoring the situation and is in coordination with local authorities in case any Filipino national has been affected,” ayon sa  DFA.

Mula sa Philippine Embassy sa Seoul, sinabi ng DFA dalawang foreign nationals ang naiulat na nasawi habang 15 iba pang dayuhan ang nasugatan.

Nagdeklara na rin ng national mourning ang Pangulo ng South Korea na si Yoon Suk-yeol at nagpahayag ng pakikiramay sa mga biktima, ayon sa ulat ng Reuters.

Sa ulat pa rin ng Reuters, karamihan sa mga namatay ay teenagers at young adults na nasa 20s. Naganap ang trahedya dakong alas-10:20 ng gabi ng Oktubre 30, 2022.

Nabatid na mistulang nasabik sa nasabing okasyon ang mga tao dahil hindi muna nagkaroon ng katulad na event sa nakalipas na 3 taon sanhi ng mga restrictions kaugnay sa COVID-19 pandemic.

vuukle comment

STAMPEDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with