6 tiwaling pulis-Caloocan sinibak sa serbisyo
MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na tuluyan nang sinibak sa serbisyo ang anim na pulis Caloocan na napatunayang guilty sa mga kasong administratibong grave misconduct at conduct unbecoming of a police officer.
Magugunitang inireklamo sina Corporals Noel Espedo, Mark Cabanilla, Jake Rosima, Ryan Gomez, Rommel Toribio at Daryl Sablay, pawang nakatalaga sa Station Drug Enforcement Unit ng Caloocan City Police Station matapos na umano ay nakawan ang tinderong si Eddie Yuson ng P14,000 noong Marso 27 sa nasabing lungsod.
Matapos ang masusing pagsusuri ay nagpasya ang Internal Affairs Service ng pulisya na irekomenda ang pagsibak sa tungkulin ng mga nasabing pulis dahil hindi umano karapat-dapat ang mga ito sa tiwala ng mga mamamayan na dapat sana nilang pinagsisilbihan at pinangangalagaan.
Giit ng NCRPO, walang puwang ang mga scalawags sa pulisya at hindi kailanman kukunsintihin ang pag-abuso sa kapangyarihan.
- Latest