^

Police Metro

Estudyante na nambugaw sa 12 kaklase, inaresto

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Calabarzon ang isang estudyante matapos ibugaw ang kanyang 12 mag-aaral sa Balayan, Batangas.

Hindi na nakapalag ang suspek na si alyas “Mae” 18, nang posasan ng mga taga-NBI sa isinagawang entrapment operation sa isang beach resort nitong Biyernes.

Ayon kay NBI-Calabarzon Regional Director Glenn Ricarte, modus ng suspek na ibugaw ang kanyang mga kaklase sa online class sa pamamagitan ng dalawang dummy social media account.

Ipinapadala umano ng suspek ang mga larawan ng kaklase sa mga target na foreigner na mga turista sa Batangas.

Sa sandaling nagkasundo ang kliyente, isang beach resort sa Batangas ang kanilang tagpuan na kung maging local tourist ay kliyente ng suspek.

Katwiran ng suspek, nagawa lang niyang ibugaw ang mga ka­klase dahil sa matinding pangangailangan upang makatapos ng senior high school.

Nasagip ng NBI ang 12 kaklase at kaibigan ng suspek, na kinabibilangan ng mga menor de edad.

Nasa kustodiya ng NBI ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Expanded Anti-Trafficking in Persons Act in relation to the Cybercrime Prevention Act.

vuukle comment

BINUBUGAW

NBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with