^

Police Metro

Riders mayroon ng exclusive lane sa Commonwealth Avenue

Joy Cantos - Pang-masa
Riders mayroon ng exclusive lane sa Commonwealth Avenue
Motorists experience moderate traffic during the morning rush hour along Commonwealth Avenue in Quezon City on October 13, 2022.
STAR / Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Makakaiwas na sa ak­sidente ang mga motor­cycle rider matapos apru­bahan ng Metro Manila Council (MMC) ang eks­klusibong lane para sa ka­nila sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Quezon City.

Ito ang inihayag kahapon ni 1 Rider Party­list Rep. Ramon Rodrigo “Rodge” Lorejo Gutierrez nang ianunsyo ng Metro Manila Development Authority (MMDA) nitong Oktubre 19 ang planong maglagay ng eks­klusibong lane para sa mga motorsiklo, bisikleta at Public Utility Vehicles (PUVs).

Ang outermost o pi­na­kalabas na linya sa ka­habaan ng Commonwealth Ave­nue ay para sa mga bicycle riders, ang susunod na lane ay para sa mga PUV’s habang ang ikatlong lane ay para naman sa motorcycle riders.

Base sa Road Crash Statistics ng MMDA Traffic Engineering Center, nasa kabuuang 1,010 motor­cycle-related accidents ang nangyari sa kahabaan ng Commonwealth Avenue  mula Enero hanggang Agosto 2022.

Magugunita na ang dating implementasyon ng motorcycle lane ay hindi eksklusibo kaya isinulong ng 1 Rider Party­list ang nasabing inisyatibo upang makaiwas sa mga sakuna ang mga riders.

MOTORCYCLE LANE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with