^

Police Metro

Crackdown ipatupad sa NBP vs illegal activities

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — “Ipatupad ang crackdown laban sa lahat ng mga illegal na aktibidades na isinasagawa ng mga drug convicts sa New Bilibid Prisons (NBP).”

Ito ang hiling ni 2nd District Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez kay Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla sa gitna na rin ng mga report sa pagkakasangkot ng mga drug convicts sa NBP na sa kabila ng nakakulong ay naga­gawa pa ring makapagtulak ng droga gamit ang kanilang mga koneksyon sa labas.

Bukod dito ang iba ay may kinalaman rin sa iba pang uri ng kriminalidad.

Inihayag ni Rodriguez­ na ang ikinanta ng self-confessed gunman ni DWBL 1242 broadcaster Percival Mabasa o Percy Lapid ay patunay lamang  na sangkot sa illegal na aktibidad ang mga drug convicts.

Gayunman ang sinasabing middleman na naka­piit sa NBP na umano’y nag-utos na paslangin si Lapid ay misteryosong na­matay ilang oras naman ma­tapos sumurender ang gunman na si  Joel Escorial.

Si Lapid ay pinaulanan ng bala ng mga arma­dong salarin sa gate ng BF Homes Subdivision sa Talon Dos, Las Piñas City  sa ambush-slay noong nakalipas na Oktubre 3 ng gabi.

NEW BILIBID PRISONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with