^

Police Metro

Ilang bahagi ng Metro Manila, Cavite at Bulacan mawawalan ng tubig sa Oktubre 17-25

Angie dela Cruz - Pang-masa
Ilang bahagi ng Metro Manila, Cavite at Bulacan mawawalan ng tubig sa Oktubre 17-25
Ayon sa Maynilad, mula sa Lunes hanggang October 25  ay mawawalan ng suplay ng tubig ang mga customer nito sa ilang bahagi ng Bulacan, Caloocan City, Makati City, Malabon City, Manila, Navotas City, Parañaque City, Pasay City, Quezon City, at  Valenzuela City.
The STAR/Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Inanunsyo kahapon ng West-zone Maynilad Water Services na ilang bahagi ng Metro Manila, Cavite at Bulacan ang mawawalan ng suplay ng tubig mula Oktubre 17 hanggang Oktubre 25.

Dahil dito, ngayon pa lamang ay pinag-iipon na ng tubig ng Maynilad ang mga residente sa Metro Manila, Cavite, at Bulacan area dahil sa inaasahang daily water supply interruptions mula sa Lunes bunsod ng mataas na demand sa Bagbag Reservoir.

Ayon sa Maynilad, mula sa Lunes hanggang October 25  ay mawawalan ng suplay ng tubig ang mga customer nito sa ilang bahagi ng Bulacan, Caloocan City, Makati City, Malabon City, Manila, Navotas City, Parañaque City, Pasay City, Quezon City, at  Valenzuela City.

Ayon sa Maynilad mahihinto naman mula sa Lunes, October 17 hanggang October 24 ang suplay ng tubig sa ilang bahagi ng Bacoor City, Caloocan City, Cavite City, Imus City, Kawit, Las Piñas City, Makati City, Malabon City, Manila, Noveleta, Pa­rañaque City, Pasay City, Quezon City at Rosario, Cavite.

“We encourage our affected customers to store enough water when supply is available. Upon resumption of water service, please let the water flow out briefly until it clears,“ ayon sa Maynilad.

Dagdag ng Maynilad,  may iikot na mobile water tankers sa mga apektadong lugar para magdala ng malinis na tubig at maglalagay sila ng  stationary water tanks sa ibang mga  lugar para may magamit sa panahon na may water interruption.

vuukle comment

WATER SUPPLY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with