^

Police Metro

SIM Card Registration Act pirmado na ni Bongbong Marcos

Malou Escudero - Pang-masa
SIM Card Registration Act pirmado na ni Bongbong Marcos
Full names are now appearing on text spams raising concern among Filipinos. According to a National Privacy Commission official, names may have been manually or automatically scraped from certain apps.
Philstar.com / EC Toledo

MANILA, Philippines — Nabibilang na ang mga araw ng mga online scammers at cybercriminals matapos namang lagdaan at pagtibayin na bilang batas ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang SIM Card Registration Act.

Isinagawa ang cere­monial signing sa Cere­monial Hall ng Malacañang na dinaluhan ng key government officials.

Naglalayon ang SIM Card Registration Act na wa­kasan ang mga krimen gamit ang platform kabilang ang text at online scams sa pagkontrol sa pagbebenta at paggamit ng SIMs sa pamamagitan ng mandatoryong rehistras­yon ng mga ito.

Ang SIM Card Registration Bill ay ang kauna­unahang batas na pinagtibay sa ilalim ng admi­nistrasyon ni Pangulong Marcos.

Sa ilalim ng batas, ang lahat ng public telecommunications entities (PTE) o direktang nagbebenta ng SIM card ay dapat humingi ng mga kinakailangang dokumento at pagkakakilanlan na may larawan.

Lahat ng impormasyon sa pagpaparehistro ng SIM card ay dapat ituring na kumpidensiyal maliban kung pinahintulutan ng subscriber ang pag-access sa kanyang impormasyon.

Nakasaad din sa ba­gong batas na ang mga telco firms ay dapat ibunyag ang buong pangalan at address na nakapaloob sa pagpaparehistro ng SIM card kung ipapa-subpoena o iuutos ng korte. - Joy Cantos

ONLINE SCAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with