^

Police Metro

Mt. Mayon nagluwa ng 391 tonelada na asupre, Alert Level 2 mananatili

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagbuga ng 391-toneladang asupre ang Bulkang Mayon sa loob ng nagdaang 24-oras at pinanatili ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang Alert Level 2 status sa bulkan.

Ayon sa Phivolcs, ang bulkang Mayon ay nakapagtala rin ng bahagyang pagluwa ng white steam-laden plumes habang wala namang naitatalang volcanic quakes sa nakalipas na 24-oras.

Ayon sa Phivolcs, bagama’t walang volcanic quakes na naitala sa naturang bulkan, kailangan pa ring mag-ingat ang mga residenteng nakatira malapit dito upang makaiwas sa anumang aberya sakaling mag-alboroto nang todo ang bulkan.

Giit ng may current unrest pa rin na naitala sa bulkan bunga ng shallow magmatic processes na maaaring magdulot ng phreatic eruptions o posibleng magkaroon ng hazardous magmatic eruption. 

Bunga nito, patuloy na ipinagbabawal ng Phivolcs ang pagpasok ng mga tao sa loob ng  6-kilometer permanent danger zone.

Pinaalalahanan din ang mga residente na naninirahan malapit sa bulkan na takpan ng malinis na tela o dusk mask kapag nagkaroon ng ash fall mula sa bulkan 

Ipinagbabawal din ng Phivolcs ang pagpapalipad ng mga sasakyang panghimpapawid malapit sa bu­nganga ng bulkan.

MOUNT MAYON

PHILIPPINE INSTITUTE OF VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY (PHIVOLCS)

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with