4 Vietnamese arestado sa illegal fishing sa Palawan
MANILA, Philippines — Apat na Vietnamese fishermen ang inaresto ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Coast Guard (PCG) Station Kalayaan, Philippine Navy (PN) at Philippine National Police-Maritime Group (PNP-MG) sa kagaratang sakop ng Pag-asa Island, Kalayaan, Palawan, kamakailan.
Ang nasabing mga mangingisda ay nahuli sa akto na ilegal na nangingisda gamit ang sodium cyanide at kinumpiska ang fishing vessel na gamit ng mga Vietnamese na tinawag na “sampan.”
Kakasuhan ng paglabag sa Sections 91 at 92 ng Republic Act No. 10654 o ang “Philippine Fisheries Code of 1998.” ang mga Vietnamese na nanatiling nasa kostudiya ng PCG District Palawan para sa karagdagang imbestigasyon at tamang disposisyon, matapos silang maaresto noong Sept.18.
- Latest