^

Police Metro

Task force binuo sa Quezon City, proteksyon sa kabataan

Angie dela Cruz - Pang-masa
Task force binuo sa Quezon City, proteksyon sa kabataan
Base sa joint surveillance activity ng QC Public Employment Service Office (PESO) at Social Services Development Department (SSDD) sa Tomas Morato, kapansin-pansin na lalo pang dumami ang mga batang nagtitinda ng sampaguita habang papalapit ang Kapaskuhan.
File

MANILA, Philippines — Bumuo ang Quezon City government ng  isang task force na magbibigay upang bigyang proteksyon ang mga menor-de-edad laban sa forced labor at exploitation. Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, nilikha ang task force o ang QC Inter-agency Task Force for the Special Protection of Street Children and Child Labo­rers upang pangalagaan ang mga kabataan na du­magsa sa mga commercial thoroughfares sa QC na nagbebenta ng sampaguita.

Base sa joint surveillance activity ng QC Public Employment Service Office (PESO) at Social Services Development Department (SSDD) sa Tomas Morato, kapansin-pansin na lalo pang dumami ang mga batang nagtitinda ng sampaguita habang papalapit ang Kapaskuhan.

Napansin din aniya ng kanilang hanay na karamihan sa mga batang nagtitinda ay galing sa ibang local government units.

“Dahil sa hirap ng buhay, napipilitan ang ilang kabataan na ilaan ang kanilang oras sa pagtatrabaho imbes na sa pag-aaral. Narito ang pamahalaang lungsod para alalayan at suportahan ang kanilang pamilya sa pamamagitan ng pagbibigay ng iba-ibang tulong at serbisyo,” pahayag ni Belmonte.

Si Belmonte ang magsisilbing chairman ng task force habang si Public Employment Service Office (PESO) head Rogelio Reyes ang co-chairperson at Social Services Development Department (SSDD) head Fe Macale ang vice-chairperson.

Mayroong 17-member offices ang task force at dalawang People’s Council Representatives mula sa business sector at children’s rights sector. Layunin nito bumuo ng policy framework para sa citywide profiling ng mga street children at ng kanilang pamilya. 

Makikipag-ugnayan din ang task force sa DSWD, non-government organizations at local go­vernment units.

CHILDREN

MINOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with