24 dayuhang babae nasagip sa sex den
MANILA, Philippines — Tatlong condominium units ang sinalakay ng mga tauhan ng Southern Police District (SPD) at nasagip ang 24 na dayuhang babae na umano’y ibinebenta ng sindikato sa kanilang sex at human trafficking scheme, sa Parañaque City, kamakalawa ng gabi.
Naaresto ng mga tauhan ng Parañaque City Police Station ang dalawang suspek na sina Du Wei at Fang Zeng, pawang Chinese national.
Nasa kustodiya na ng Women’s and Children’s Police Desk ang 10 babaeng Tsino at 14 na babaeng Vietnamese na isinasailalim ngayon sa beripikasyon ang kanilang pagkakakilanlan.
Sa ulat ng pulisya, alas-11:30 ng gabi nang salakayin ang tatlong unit ng condominium building sa may Brgy. Tambo, Parañaque City, makaraang makatanggap ng intelligence report na isang grupo ng dayuhang babae ang ikinukulong at biktima ng human trafficking ang naispatan sa lugar.
- Latest