^

Police Metro

IBC 13 magsasara na sa Enero 2023

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kung hindi umano mabibigyan ng pondo ay posibleng magsara sa darating na Enero ng susunod na taon ang IBC 13 television station.

Ito ang sinabi ni 2nd District Marikina City Rep. Stella Quimbo, Vice Chairman ng House Committee on Appropriations  na nagdesisyon na ang Department of Budget and Management (DBM) na huwag ng pondohan ang IBC dahilan sa inaasahang pagsasapribado nito.

Pursigido pa rin ang sponsor ng panukalang pondo ng Office of the Press Secretary na ma­hanapan ng solusyon ang pagpopondo para sa IBC 13.

Nabatid na sa oras naman na maibenta ng hindi bababa sa P2 mil­yon ang mapagbebentahan ay gagamitin naman sa pagpapalakas ng PTV 4.

Gayunman, hindi ma­ibenta ang IBC sa kasalukuyan nitong estado kung saan iminungkahi.

Idinagdag pa ng mam­babatas na hiniling na ng OPS na mabigyan ng badyet ang naturang tv network upang kanilang mapaganda at magawan ng mga programa at makabenta ng airtime at mapataas ang value nito.

IBC 13

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with