^

Police Metro

SIM Card registration bill pasado na sa Kamara

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa sa House of Representatives ang pagpaparehistro ng lahat ng postpaid at prepaid mobile phone subscriber identity module (SIM) cards na naglala­yong mabawasan ang illegal na aktibidad gamit ang mga cellphones.

Sa naging botohan ay 250 mambabatas ang bumoto pabor, 6 negative at 1 ang abstention.

Sa ilalim ng inaprubahang panukala, ang bawat public telecommunications entity (PTE) at authorized seller ay oobligahin ang ‘end user’ o ang SIM card user, Pilipino man o foreigner, na irehistro ang prepaid o postpaid SIM.

Isang registry o lista­han ng lahat ng subscriber kalakip ang kanilang assigned sim card number ang bubuuin ng PTE.

Ang end user ay kaila­ngan sagutan ang form na inisyu ng PTE kala­kip ang pagpapakita ng valid identification card at anumang impormasyon sa registration document ay ituturing na confidential maliban na lamang kung pahintulutan ng subscriber sa pamamagitan ng isang kasulatan.

Dahil rehistrado na ang SIM cards, anumang impormasyon ay kailangan na ilabas kung ipag-uutos ito ng korte o law enforcement na gagamitin para sa isang imbestigasyon.

Ang mga SIM cards na naibenta o inisyu na bago pa maging epektibo ang batas ay kasama rin sa ipaparehistro.

Sa oras na maisabatas ay nasa P300,000 hanggang P1 million ang ipapataw na multa sa PTE sa oras na lumabag ito habang suspensyon sa ope­rasyon at multang hanggang P50,000 kung ang violator ay isang authorized seller.

SIM CARD BILL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with