^

Police Metro

MRT-3 may libreng sakay sa government employees sa Lunes

Angie dela Cruz - Pang-masa
MRT-3 may libreng sakay sa government employees sa Lunes
Ayon kay MRT-3 General Manager Engr. Federico J. Canar, Jr. ang libreng sakay ay isang simpleng pagpapakita ng pasasalamat sa lahat ng mga lingkod bayan na tapat at buong dedikasyon na nag-aalay ng kanilang galing upang mapaglingkuran ang bansa. 
www.mrt3.com

MANILA, Philippines — Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Philippine Civil Service, magbibigay ng libreng sakay ang MRT-3 para sa mga lingkod bayan o kawani ng gobyerno bukas, Set­yembre 19, 2022.

Ayon kay MRT-3 General Manager Engr. Federico J. Canar, Jr. ang libreng sakay ay isang simpleng pagpapakita ng pasasalamat sa lahat ng mga lingkod bayan na tapat at buong dedikasyon na nag-aalay ng kanilang galing upang mapaglingkuran ang bansa. 

Magsisimula ang libreng sakay mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga at alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.  

Para makapag-avail ng libreng sakay, magpakita lamang ng valid government ID sa MRT-3 personnel na matatagpuan sa service gate ng bawat istasyon upang mabigyan ng Magnetic Single Journey Ticket.

Ang parehong magnetic ticket ay dapat iiwan naman ng pasahero sa service gate ng bababaan nitong istasyon.

MRT-3 TRAIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with