^

Police Metro

Libro na sagot sa kagutuman, matagumpay na inilunsad

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naging matagumpay ang paglulunsad ng aklat na naglalaman ng mga makabagong teknolohiya at organikong pamamaraan ng pagsasaka na magsisilbing sagot sa kagutuman sa bansa.

Ang inilunsad na aklat na “Leave Nobody Hungry” ay sinulat ng dating reporter na si Virginia R. Rodriguez na ginanap sa Maynila Ballroom ng Manila Hotel nitong Lunes ng tanghali.

Nagbigay ng napakagandang virtual message si Press Sec. Trixie Cruz-Angeles sa pasinaya ng libro at umaasa na makakatulong ng malaki sa milyun-­milyong magsasaka sa bansa ang nilalaman ng libro para mapataas ang kanilang ani.

Personal ding dinaluhan ni  Atty. Alex Lopez, Dr. Eliseo Ruiz,  Chief and ­Executive Officer at former Pres. ng CLSU; Asec. Antonio Molano, Councilor Joey Amzola;  Councilor Pablo Ocampo; P/Gen. Andre Dizon, hepe ng MPD, LGUs, NGOs; businessmen at mga estudyante.

Ayon kay Rodriguez, nais niyang makatulong sa ad­ministrasyon ni Pa­ngulong Marcos na siya ring tumatayong Kalihim ng Department of Agriculture (DA) kaya niya naisipang isulat at gawin ang nasabing aklat.

Pahayag pa ni Rodriguez, sagot sa “food crisis agenda” ni PBBM ang mga nilalaman ng kanyang librong ginawa, kabilang na rito ang “Masaganang 150” na isinusulong ng Pangulo.

Bukod sa “food security” ay nilalaman din ng libro ang paglikha ng maraming trabaho na nais mangyari ng gobyerno.

LIBRO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with