^

Police Metro

Sa paglabag sa mandatory quarantine ‘Poblacion Girl’ nag-plead ng guilty

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naghain ng “guilty plea” ang tinaguriang “Poblacion girl” na si Gwyneth Anne Chua sa korte dahil sa pagtakas nito sa mandatory quarantine rule na ikinasa sa kasagsagan ng taas-kaso sa COVID-19 noong Disyembre 2021 sa isinagawang arraignment kahapon sa Makati court.

Ayon kay Assistant City Prosecutor Rafael Rodrigo Esguerra na si Chua, kasama ng kanyang mga magulang at abogado ay humarap kay Judge Maureen Rubio Marquez ng Makati City Metropolitan Trial Court Branch 128 kung saan siya umamin ng guilty sa paglabag sa Republic Act 11332 o ang “Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act at pinagmulta ng P20,000.00 kaugnay sa nasabing pag­labag.

Patuloy namang di­ringgin ang kaso laban sa security guard ng Berjaya Hotel na si Esteban Gatbonton na una nang naghain ng not guilty plea na inakusahang tumulong kay Chua na tumakas sa nasabing hotel bilang quarantine facility.

Sinabi naman ng abogado ni Gatbonton na hindi naman maaapektuhan ng pag-amin ni Chua ang kaso ng kanyang kliyente.

Nauna nang nagsampa ng kaso ang Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group laban kay Chua, sa kanyang mga magulang at anim na iba pang tao kabilang ang mga staff ng hotel dahil sa paglabag sa public health law noong holidays, subalit sa kawalan ng sapat na ebidensiya ay inabswelto sila.

Naniniwala umano ang mga otoridad na nahawaan ni Chua ang humigit-kumulang 15 katao matapos laktawan ang paghihiwalay sa panahon ng bakasyon.

GWYNETH ANNE CHUA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with