^

Police Metro

Marcos admin nagdeklara ng giyera vs online child sexual abuse

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na nagdeklara ang gobyerno ng giyera laban sa online child sexual exploitation.

Sa isang inter-agency­ press conference sa Mala­cañang, sinabi ni Remulla na dapat ikahiya ng bansa ang imahe ng Pilipinas bilang nangungunang pi­nagmumulan ng child exploitation at sexual abuse online.

“Nagdedeklara kami ng digmaan tungkol dito.... Lahat na ng pwedeng gawin ng bansa para dito… 100 percent of law enforcement­ is here as well as 100 percent of jails and correctional facilities are here,” ani Remulla.

Sinabi rin ni Remulla na layunin nila na iparamdam sa mga mamamayan ang pangangailangang sugpuin ang mga krimen na ginagawa sa mga kabataan sa pamamagitan ng internet at sa pamamagitan mismo ng face-to-face na pangyayari.

Sinabi rin ni Remulla­ na marami ang dapat ma­kiisa sa kanila katulad ng mga internet service provi­ders, telcos, mga malala­king kumpanya ng internet na hindi aniya dapat magpagamit sa mga nasabing karumal-dumal na gawain.

Marami rin aniyang mga lugar sa bansa ang natukoy na mga hotspot sa online na sekswal na pang-aabuso sa mga bata.

Ang mga Europe, ayon sa kanya, ang pinakama­laking mamimili ng mga online na materyales na nagsasamantala sa mga menor-de-edad sa Pilipinas.

Nagbabala naman si Information and Commu­nications Technology Se­c­retary Ivan John Uy na ang mga indibidwal na nagsasamantala sa mga bata at pasimuno sa child porno­graphy, ay mahaharap sa pag-aresto.

Sinabi naman ni Department of Social Welfare­ and Development (DSWD) Sec. Erwin Tulfo na katuwang nila sa laban ang mga taga-United States Embassy, Homeland Security  upang mag-monitor.

ONLINE CHILD EXPLOITATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with