Ekonomiya ng Pinas, pumalo sa 7.4% ng 2nd quarter ng 2022 - PSA
MANILA, Philippines — Batay sa latest report kahapon ng Philippine Statistics Authority (PSA) ay pumalo sa 7.4 percent ang ekonomiya ng Pilipinas nitong 2nd quarter ng 2022.
Ayon sa PSA, ang gross domestic product (GDP) ay mula sa kabuuang kalakal at serbisyo na nai-produce sa naturang period mula buwan ng Abril hanggang Hunyo 2022.
Ang 7.4 percent na GDP ng 2nd quarter ay mas mababa naman sa 8.2 percent GDP growth noong unang kuarter ng 2022.
Sinasabing sa bawat quarter ng taon ay nagpapakita ng pag-urong ng ekonomiya ng may 0.1 percent.
Ayon sa ulat, ang Pilipinas ay may P12.97-trilyong utang sa pagtatapos ng administrasyon ni da-ting Pangulong Rodrigo Duterte.
- Latest