^

Police Metro

Paglilikas ng mga Pinoy sa Taiwan pinag-aaralan na ng MECO

Malou Escudero - Pang-masa
Paglilikas ng mga Pinoy sa Taiwan pinag-aaralan na ng MECO
A woman uses her mobile phone as she walks in front of a large screen showing a news broadcast about China's military exercises encircling Taiwan, in Beijing on August 4, 2022. China's largest-ever military exercises encircling Taiwan kicked off August 4, in a show of force straddling vital international shipping lanes after a visit to the island by US House Speaker Nancy Pelosi.
AFP / Noel Celis

MANILA, Philippines — Dahil sa tumtinding ten­syon sa pagitan ng Estados Unidos at China dahil sa ginawang pagbisita ng isang US official sa Taiwan, pinag-aaralan na ng pamahalaan ang planong paglilikas sa mga Pinoy sa Taiwan.

Sa panayam ng ABS-CBN TeleRadyo, sinabi ni Mercedita Kuan, se­cretary-general ng Filcom­ Taiwan Northern na mag­pupulong sila tungkol sa evacuation plans na bagaman at normal pa aniya ang sitwasyon sa Taiwan ay namamayani pa rin sa kanila ang takot.

Sinabi ni Kuan na magkakaroon ng virtual meeting sa Linggo ang kanilang grupo at Manila Economic and Cultural Office (MECO) upang talakayin ang mga plano sa paglikas kapag tumindi ang tensiyon sa Taiwan.

Ang MECO, isang non-profit na entity na nagsisilbing “unofficial­” na link sa pagitan ng Pilipinas at Taiwan. Itinayo ang MECO noong 1975 bilang kinatawan ng Pilipinas sa Taiwan.

Sinabi ni Kuan na sa gagawing pagpupulong sa Linggo ay lilinawin nila sa MECO kung papaano ililikas ang nasa 8,000 undocumented overseas Filipino workers. 

MECO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with