Al-Qaeda chief todas sa US drone strike sa Kabul
MANILA, Philippines — Inihayag ni US President Joe Biden na napatay nila si Al-Qaeda chief Ayman al-Zawahiri, 71-anyos at isa sa most wanted terrorists sa mundo at utak sa Sept. 11, 2001 attacks, sa isinagawang drone strike sa Kabul.
Sa ulat ng CNN, pinayagan ni Biden ang precision strike kay Zawahiri habang nagtatago sa Kabul kasama ang kanyang pamilya na hindi naman nasugatan sa naturang insidente.
Si Zawahiri na isang surgeon ang nagsilbing personal na doktor ng napatay na si Osama Bin Laden.
Ang drone strike ay ginawa alas-9:48 ng sabado ng gabi matapos ang umano’y pakikipagpulong ni Biden sa miyembro ng kanyang mga gabinete at key advisers.
Lumalabas pa sa ulat na walang American personnel ang nasa ground ng Kabul nang isagawa ang drone strike.
- Latest