^

Police Metro

DDR posibleng malikha sa ilalim ng Marcos administration - solon

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Maaaring malikha ang isang ahensiyang pang-kalamidad sa ilalim ng administrasyong Marcos at isusulong ang panukalang ilagay ito sa ilalim ng Office of the President.

Ito ang nakikita ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda, House Ways and Means chairman na kung saan ay binalangkas ang unang bersiyon ng ‘Disaster Risk Reduction (DRR) bill’ sa ‘17th Congress’.

Sa panukala niya, magiging isang malaking ahensiya ang Department of Disaster Resilience (DDR) na ilang beses nang inihain sa Kamara na dalawang beses din inaprubahan, ngunit hindi pumasa sa Senado kahit ilang beses din itong idineklarang ‘priority’ ni Pangulong Duterte.

Naging usap-usapan na naman DDR matapos padapain ng malakas na lindol ang Abra na matindi ring nanalasa sa ilang probinsiya sa hilagang Luzon at sapat na dahilan ito upang magkaroon ng DDR.

Sinabi naman ni Senate President Juan Miguel Zubiri, na isinusulong ng mga senador ang paglikha ng higit na maliit na DDR at ilalagay sa ilalim ng ‘Office of the President’ na mabisang ikatutugon sa mga kalamidad na hindi tulad ng kasalukuyang sistema.

Kinatigan ni Salceda ang panukalang higit na maliit na ahensiya ni Zubiri, at sinabi niyang isusulong niya ito sa mga kasamahan niya sa Kamara, para “magkatotoo.”

DISASTER RISK REDUCTION COUNCIL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with