^

Police Metro

Cyberlibel conviction vs Ressa pinagtibay ng CA

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinagtibay ng Court of Appeals (CA) ang desisyon ng Manila court na hatulan ang news organization na Rappler si CEO Maria Ressa at dating researcher-writer na si Reynaldo Santos Jr. para sa cyberlibel.

Sa desisyon na ipinonente ni Asso­ciate Justice Roberto Quiroz ay  tinanggihan ang apela nina Ressa — isang Nobel prize winner at Santos laban sa desisyon noong Hunyo 2020 ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 46, na hinatulan sila ng maximum na anim na taong pagka­kakulong.

Gayunpaman, binago at pinahaba ng korte ang apela sa maximum na oras ng pagkakakulong hanggang anim na taon, walong buwan at 20 araw.

Ito ay bunsod sa kasong inihain ni Wilfredo Keng kaugnay ng May 2012 report ng Rappler, na sinasabing gumagamit si dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona ng sports utility van na pag-aari ni Keng.

Nakasaad din sa ulat na isinasa­ilalim sa surveillance si Keng ng National Security Council (NSC) dahil sa pagkakasangkot umano sa mga iligal na aktibidad.

Sa desisyon, isinaad ng CA ang isang quote mula sa SC na nagsasabing, “this case comes at a time when the credibility of journalists is needed more than ever, when their tried-and-tested practice of adhering to their own code of ethics becomes more necessary, so that their truth may provide a stronger bulwark against the recklessness in social media.”

vuukle comment

CYBERLIBEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with