^

Police Metro

Hepe ng pulisya, utas sa 10-wheeler truck

Ed Amoroso - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang hepe ng pulisya­ sa isang bayan sa lalawigan ng Batangas ang idineklarang dead-on-arrival nang aksidente bumangga ang sinasakyan nito sa isang ten wheeler truck na may kargang mga asin, kaha­pon ng madaling araw sa kahabaan ng Barangay Tulo, Taal ng lalawigang ito.

Kinilala ang nasawi na si P/Major Amiel Bernardo Sanhi Jr., Chief of Police ng Lian Police Station, naninirahan sa Calicanto, Batangas City na nagtamo ng maraming sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Habang ang truck dri­ver na si Salvador Segfred, 29, ay nasa kustodiya na ng Taal police station matapos na itong sumuko.

Sa pagsisiyasat ni P/Staff Sergeant Felix Can­tero, ng Taal police sta­tion­, alas-12:50 ng mada­ling araw ay minamaneho ng biktima ang kanyang Isu­zu Max (AVA-7245) at binabaybay ang kahabaan ng highway sakop ng Brgy. Tulo pauwi­ na mula sa kanyang trabaho nang sumalpok ito sa kanang bahagi ng isang 10-wheeler truck (ABK-1711) na minamaneho ni Segfred na galing ng  Laguna.

Ayon kay  Cantero na madilim ang lugar dahil sa kawalan ng mga street lights at dagdag pa dito na basa ang kalsada dahil sa walang tigil na buhos ng ulan.

vuukle comment

AKSIDENTE

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with