Dagdag singil sa airlines, ipapataw simula Hulyo 1
MANILA, Philippines — Dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng jet fuel sa world market, magpapatupad na ang Civil Aeronautics Board (CAB simula sa darating na Hulyo 1 ng fuel surcharges na aabot sa P355 hanggang P1,038.
Sa Laging Handa briefing, inihalimbawa ni CAB Hearing Examiners Division Chief Atty. Blem Moro ang biyahe ng eroplano mula Manila patungong Cebu na magkakaroon ng dagdag na singil na P706.
“Many airlines, especially our local airlines, have applied surcharges, including Cebu Pacific and Philippine Airlines, as well as foreign carriers,” ani Moro.
Paliwanag ni Moro, ang surcharges na ibabatay sa layo ng biyahe at applicable sa domestic at international flights.
Sinabi ni Moro na binago ng CAB ang surcharge matrix nito kasunod ng pagtaas ng presyo ng gasolina sa world market noong nakaraang taon.
Sa pagsusuri ng matrix noong Abril at Mayo, sinabi ni Moro na ang presyo ng gasolina ay nasa $155 kada bariles, kung saan ang Philippine peso-US dollar exchange rate ay nasa P52:$1.
- Latest