^

Police Metro

‘No contact apprehension’ sa Quezon City sa motorista, ipatutupad na sa Hulyo 1

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Simula sa Hulyo 1, mahigpit nang ipatutupad sa Quezon City ang “No Contact Apprehension Program” para sa lahat ng mga motorista.

Sa ilalim ng programang ito,  ang sinumang motorista na lalabag sa batas trapiko at sa ordinansa ng QC  hinggil dito ay huhulihin sa pamamagitan ng traffic enforcement cameras.

Ang mga motoristang mahuhuli sa ilalim ng programa ay makakatanggap ng Notice of Violation at pagmumultahin base sa QC Ordinance No. SP 3052 S-2021.

Ayon kay Mayor Joy Belmonte, malaking tulong ang pagkakaroon ng no contact apprehension dahil maglalaho na ang korapsiyon sa kalsada at madidisiplina ang mga driver sa batas trapiko kahit walang mga nakatalagang traffic enforcers sa isang lugar. 

Nabatid na mayroong mga nakakabit na camera sa mga lugar sa QC upang matukoy ang mga traffic violator sa lungsod. 

Kung nais malaman na may paglabag sa batas trapiko ang isang ­motorista, maaaring buksan ang http://nocontact.quezoncity.gov.ph.

MOTORISTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with