Monkeypox virus kaya nang matukoy ng RITM
MANILA, Philippines — Kaya na umanong matukoy ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang kaso ng monkeypox na kumalat na sa iba’t ibang bansa sa mundo.
Ayon sa RITM, pinakalakas nila ang kanilang ‘real-time PCR (polymerase chain reaction) assay’ para makatukoy ng monkeypox virus at maging ang kanilang ikalawang ‘PCR assay’.
Tanging mga suspect cases at ang mga sumusunod sa ‘procedures for referral’ ang mapoproseso nila ng RITM, base sa isang memorandum ng Department of Health (DOH).
Sinabi pa ng RITM na nag-oorganisa na ang DOH ng pagsasanay para sa paghawak, pamamahala, at transportasyon ng mga samples ng mga ‘skin lesions’ na magsisilbing bagay sa lahat ng disease reporting units, epidemiology at surveillance units.
Una nang sinabi ng DOH na handa ang Pilipinas sakaling makapasok ang monkeypox sa bansa at tinitingnan ang pagbili ng bakuna at antivirals laban sa sakit.
Kabilang sa mga sintomas nito ay ang lagnat, paglaki ng lymph nodes, sakit ng ulo, panginginig, sore throat, malaise at pagkapagod.
- Latest