Bulkang Bulusan nagbuga ng 613 toneladang asupre
MANILA, Philippines — Nagbuga ng may 613 toneladang asupre at nagtala rin ng 178 volcanic earthquake ang Bulkang Bulusan sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nakapagtala rin ang bulkan ng 150 metro ng taas ng plume.
Bunsod nito, muling nagbabala kahapon ang Phivolcs sa publiko na huwag lalapit sa bulkan dahil sa patuloy ang “hydrothermal activity” nito na maaaring magdulot ng panibagong phreatic eruption.
Una nang ipinag-utos ng Sorsogon LGU na magpatupad ng pre-emptive evacuation sa bayan ng Juban dahil sa panganib na dulot ng bulkan.
Nananatili sa alert level 1 ang Mt. Bulusan na pinangangambahang magkaroon ng malakas na pagputok dahil sa patuloy na pag-aalburoto nito.
- Latest