^

Police Metro

Mga raliyista limitado sa ‘Freedom Parks’ sa Marcos oath-taking

Danilo Garcia - Pang-masa
Mga raliyista limitado sa ‘Freedom Parks’ sa Marcos oath-taking
Satellite image captured on June 6, 2022 shows the exterior of the National Museum in Manila.
Google Maps

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Manila Police District (MPD) na limitado lamang sa mga ‘freedom parks’ sa Maynila maaa­ring magsagawa ng rali ang mga militanteng-grupo na sasabay sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. sa National Museum.

Tinukoy ni MPD Public Information Office chief PMajor Phillip Ines ang mga lugar na Plaza Miranda sa Quiapo, Plaza Dilao sa Paco, Plaza Moriones sa Tondo at Liwasang Bonifacio sa Ermita na mga itinalagang ‘freedom parks’.

Ito ay makaraan ang reklamo ni Renato Reyes ng grupong Bayan, sa pagbabawal ng pulisya na magsagawa ng “iligal na rally” ang mga militante lalo na kung wala silang hawak na ‘permit to rally’.

Ayon kay Reyes, isa umanong uri ng intimidasyon para pigilan ang mga tao na maisagawa ang kanilang karapatan para magtipon ng payapa.

Habang isinusulat ito ay wala pang natatanggap ang Manila Bureau of Permits ng anumang request o sulat para magkasa ng kilos protesta ang sinuman sa araw mismo ng inagurasyon.

Sinabi ni Ines na magpapatupad sila ng ‘maximum tolerance’ sa mga raliyista na pipigilan na makalapit sa National Museum na idineklarang ‘no rally zone’.

OATH TAKING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with