^

Police Metro

Pagkatapos ng Mt.Bulusan erruption, DDR likhain na

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Binigyang diin ni Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda ang agarang paglikha ng ahensiya na dedikado sa pagtugon sa mga kalamidad makaraang sumabog ang bulkang Bulusan sa Sorsogon na nagresulta sa libu-libong pamilyang dinala sa mga evacuation centers.

Sa panukalang batas (HB 5989) na  inihain ni  Salceda sa Kongreso, na lilikha sa ahensiya ng Department of Disaster Resilience (DDR), na naipasa na ng Kamara ngunit nabinbin sa Senado at nalampasan ng nakaraang halalan nitong nakaraang Mayo.

Ayon kay Salceda, chairman ng ‘House Ways and Means Committee’ ang kasalukuyang pag-aalburoto ng Bulusan ay nagtutulak na muling ibalik ang pansin ng bansa sa usaping paglikha ng DDR.

Libu-libong pamilya sa Sorsogon ang itinaboy sa mga ‘evacuation centers,’ ng Bulusan na sumabog, alas-10:30 ng umaga noong Linggo na kung saan ay umabot sa isang kilometro pataas ang ibinugang usok at malawakang ulang abo sa ilang barangay ng mga bayan ng Juban at Irosin.

Tiniyak ni Salceda na muli niyang ihahain ang kanyang DDR bill sa 19th Congress na ilang bases na sinertipikahan ni Pangulong Duterte na sadyang kailangan ng ipasa.

 

 

DEPARTMENT OF DISASTER RESILIENCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with