^

Police Metro

NKTI, apaw na sa pasyente

Angie dela Cruz - Pang-masa
NKTI, apaw na sa pasyente
Dahil sa umapaw na ang mga pasyente ng mga may sakit sa bato ay binuksan na rin ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) ang kanilang gymnasium upang mapagsilbihan ang iba pang pasyente habang ang iba ay inilipat na sa ibang ospital.
Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Lumampas na sa kapasidad at apaw na sa pasyente­ ang National Kidney and Transplant Institute (NKTI) na karamihan ay may problema sa bato.

“Nitong linggo nga, kailangan namin mag-decongest. Maglipat kami ng ibang pasyente sa ibang ospital, lalo na sa Tala Hospital. At saka nagbukas na rin kami ng gym. Kasi sobra na sa 3 times capacity namin last week,” wika ni NKTI executive director Dr. Rose Liquete.

Sa kasalukuyan ay limi­tado na ang pagtanggap nila ng pasyente dahil puno na sila sa kapasidad ng mga pasyente kahit na nabuksan­ pa ang kanilang gym para mapalawak ang serbisyo.

Bukod sa kakulangan sa espasyo para sa mga pa­syente ay kulang din sila sa mga nurse na magsisilbi sa mga pasyente.

“Sa ngayon, para sana ma-break even man lang kami, 90 ang kailangan namin na nurses. So, marami nang umalis, medyo kaunti lang ang nag-a-apply,” dag­dag ni Liquete. Nanawagan din si Li­quete sa mga nurse na mag­sipag-aplay sa NKTI para makatulong na maser­bi­syu­­han ang mataas na bilang ng kanilang pa­syente.

NATIONAL KIDNEY AND TRANSPLANT INSTITUTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with