Press freedom, media task force ituloy — NPC
MANILA, Philippines — Nanawagan si National Press Club (NPC) President Lydia Bueno sa bagong administrasyong Marcos na palakasin ang press freedom at patuloy na suportahan ang paninilbihan ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS).
Naniniwala ang NPC na ang patuloy ng operasyon ng PTFoMS ay magpapatunay na pinalalakas ng bagong Marcos administration ang pangako nito sa media para sa malayang pamamahayag.
Aniya, ang pagpapanatili ng PTFoMS ay isang malakas na mensahe na pinahahalagahan ng gobyerno ang malaya at responsableng pamamahayag sa bansa na sinimulan pa ng administrasyong Duterte.
Inihahayag din sa Special Resolution No. 1, Series of 2022, na binibigyang pansin ng NPC ang pagkakatatag ng PTFoMS’ ni Pangulong Duterte under Administrative Order No. 1 noong Oktubre 2016.
Iminungkahi ng NPC kay President-elect Ferdinand Marcos Jr., na gawing commission for media security (PCOMS) ang PTFoMs sa pamamagitan ng Executive Order upang mapalawak ang kakayahan nitong pangalagaan ang kapakanan ng media sector.
- Latest