^

Police Metro

Mon Tulfo, inaresto sa libelo

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na nakatakas ang brodkaster at kolumnista­ na si Ramon Tulfo sa Ma­nila City Hall nang ares­tuhin kahapon ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) dahil sa kasong ‘cyber libel’.

Sa ulat, alas-10:05 ng umaga nang arestuhin ng mga tauhan ng MPD-Special Mayor’s React Team (SMaRT) sa pangunguna ni PMaj Edward Samonte ang 75-anyos na si Tulfo habang nasa quadrangle ng Manila City Hall sa Ermita, Maynila.

Inihain kay Tulfo ang Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa R.A. 10175 o ang ‘Cybercrime Prevention Acts of 2012’ na inisyu ni Judge Maria Vic­toria Soriano-Villadolid, ng Manila Regional Trial Court Branch 24.

Nabatid na isang Atty. Lean Cruz, ang tumawag sa MPD-SMaRT at ipinarating na nasa bisinidad si Tulfo na may kinakaharap na arrest warrant.

Nag-ugat ang pag-aresto sa kasong libelo na isinampa ni dating Jus­tice Secretary Vitaliano Aguirre.

Hindi umano duma­dalo sa mga pagdinig si Tulfo kaya nagpalabas ng arrest warrant.

CYBERLIBEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with