^

Police Metro

Google Trends tama ang prediksiyon sa halalan sa US, Pilipinas susunod na?

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Itinuturing ang Google Trends bilang pinaka-tum­pak na sukatan pagdating sa prediksiyon ng mga ma­nanalo, kumpara sa ground surveys.

Noong 2004 United States presidential election­, inilagay ng isang ground survey si John Kerry na panalo laban kay George W. Bush bitbit ang 12-porsiyentong lamang.

Ngunit iba naman ang taya ng Google Trends, kung saan nakita na mas mataas ang interes ng mga Amerikano kay Bush kumpara kay Kerry. Nagkatotoo ang prediksyon ng Google Trends nang mahalal si Bush bilang ika-43 presidente ng Estados Unidos.

Nangyari rin ang katulad na sitwasyon sa US noong 2012, nang mag­harap sina Mitt Romney­ at Barack Obama para sa pagkapangulo.

Angat si Romney sa ground surveys ngunit nakita ng Google Trends ang panalo ni Obama, na nagsilbi ng dalawang termino bilang pangulo.

Noong 2016, idi­nek­lara ng Reuters na 90 porsiyentong tiyak ang panalo ni dating First Lady Hillary Clinton kay Donald Trump ngunit nanalo ang huli gaya ng prediksyon ng Google Trends.

Noong 2020, lahat ng election predictor models­ ng Moody’s ay nakaturo sa bagong termino ni Trump ngunit nakita naman ng Google Trends ang panalo ni Joe Biden.

Maaari ring mangyari ang ganitong senaryo sa Pilipinas sa pagitan ng dalawang nangungunang kandidato sa pagkapangulo­ na sina Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President Leni Robredo na kung saan lamang si Marcos­ sa ground surveys­, ngunit angat si Robredo pagdating sa Google Trends, na mayroong 66 porsi­yento kontra sa 30 porsi­yento lang ni Marcos.

GOOGLE TRENDS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with