^

Police Metro

‘Teacher Stella’ ‘di natinag sa number 1 sa Marikina

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi natitinag si Marikina Rep. Stella Alabastro-Quimbo na nangu­ngu­nang kandidato bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng lungsod.

Ayon sa pinakabagong survey ng Philippine Survey and Research Center­ (PSRC) na isinagawa mula Marso 25 hanggang Abril 4, 2022, napanatili ni Quimbo ang kanyang kalama­ngan sa lahat ng pitong ba­rangay at mga grupong demograpiko kung saan 81% ng respondents ang nagsabi na iboboto nila ito kung naganap ang eleksiyon sa panahong ginawa ang survey.

Mula nang mag-um­pisa ang lokal na kampan­ya­han noong nakaraang buwan, si Quimbo, na kilala bilang “Teacher Stella” sa kan­yang distrito, ay panalong-panalo na kumpara sa kanyang mga kalaban sa puwesto na sina Del de Guzman (11%) at Mauro Arce (4%).

Lumitaw sa resulta ng survey na may 4% na undecided at wala namang naitalang abstention. Ang nasabing bagong survey ay tumutugma sa mga na­unang survey na isinagawa ng PSRC sa nakaraan kung saan numero uno si Quimbo para sa mga respondent ng Barangays Concepcion Uno, Tumana, Nangka, Parang, Fortune, Marikina Heights, at Concepcion Dos.

PHILIPPINE SURVEY AND RESEARCH CENTER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with