^

Police Metro

Batay sa pahayag ng 3 prexy bets… ‘Election sabotage,’ iimbestigahan ng PNP  

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines —  Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na handa silang imbestigahan ang ulat ng umano’y pananabotahe sa dara­ting na May 9 election matapos ang pahayag ng tatlong presidentiables.

Sa isinagawang press briefing kahapon sa Camp Crame, sinabi ni PNP chief General Dionardo Carlos, ang lahat naman ng reklamo ay kanilang tinutugunan maging election related issue o hindi.

Sa ngayon aniya,  wala pa silang natatanggap na ulat hinggil dito, subalit tatanungin nila dito si Senator Panfilo Lacson, isa sa mga kandidato sa pagkapangulo.

“We’ll get the details from Senator Lacson para matignan namin,” pahayag ni Carlos.

“So far I have here, si Police Major Ge­neral Valeriano de Leon, he’s monitoring for the elections. Wala naman tayong major reports of ganun,” dagdag niya.

Matatandaang sa isinagawang joint prescon nitong Linggo ng tatlong presidentiables na sina Lacson, Manila Mayor Isko Moreno at dating National Security Adviser Norberto Gonzales, ang nagbabala hinggil sa umano’y distabilisasyon sa darating na May 9 election.

Aminado naman si Lacson na hindi pa nila nabeberipika ang natanggap na ulat.

ELECTION SABOTAGE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with