Pahalik sa Poong Itim na Nazareno, pwede na uli
MANILA, Philippines — Binuksan ng pamunuan ng Quiapo Church sa publiko ang Pahalik sa Itim na Poong Nazareno kahapon na unang Biyernes ng buwan.
Ayon kay Rev. Fr. Danichi Hui, bukas ang pahalik mula alas-4:00 ng madaling araw hanggang sa magsara ang simbahan sa gabi.
Hindi lilimitahan ang bilang ng mga debotong gustong makahawak sa imahen ng Poong Nazareno, pero kailangan nilang sumunod sa COVID-19 health and safety protocols.
Kabilang dito ang pagdi-disinfect ng kamay bago humawak sa imahen habang bawal din muna ang pagpapahid ng panyo o anumang uri ng tela.
Kaya naman nakiusap si Father Douglas Badong, parochial vicar ng Quiapo Church, sa mga deboto na sumunod sa mga patakaran para makaiwas sa hawaan ng COVID- 19.
Matatandaang isinara sa publiko ang tradisyon nang Pahalik sa imahe ng Poong Hesus Nazareno nang pumutok ang pandemya noong 2020.
Ikinatuwa naman ng mga deboto ang pagkakataong mahawakan muli ang imahe.
- Latest