MANILA, Philippines — Muling mananalo sa darating na halalan ang 10 incumbent mayor sa Metro Manila batay sa isinagawang NCR Boses ng Bayan 2022 survey ng RP Mission and Development Foundation Inc. (RPDM).
Ang sampu ay sina Mayor Joy Belmonte ng Quezon City, Mayor Toby Tiangco ng Navotas City, Mayor Oca Malapitan ng Caloocan City, Mayor Emi Rubiano-Calixto ng Pasay City, Mayor Francis Zamora ng San Juan City, Mayor Mel Aguilar ng Las Piñas, Mayor Abby Binay ng Makati City, Mayor Marcy Teodoro ng Marikina City, Mayor Vico Sotto ng Pasig City, at Mayor Ike Ponce ng Pateros.
Lumitaw sa survey na gusto pa rin ng mga botante sa Quezon City si Mayor Belmonte na nakakkuha ng 63% score laban kay Cong. Mike Defensor-33% sa karera sa pagka-alkalde ng lungsod. Ang pagpapatuloy sa proyekto at programa kaya supportado si Mayor Toby Tiangco (89%) na tumatakbong Congressman at ang kanyang kapatid na si Cong. John Rey Tiangco (85%) na gustong maging alkalde muli laban sa mag-amang Gardy at RC Cruz na nakakuha lang ng 10% at 13%, ayon sa pagkakasunod.
Ang mag-amang Malapitan ng Caloocan City, na si Mayor Oca Malapitan na tumatakbong congressman ay nabigyan ng 89% points laban kay Alou Nubla (10%).Habang ang anak nitong si Cong. Along Malapitan ay nakakuhan ng 75% laban kay Cong. Egay Erice-24% sa labanan sa pagkamayor.
Ang magkapatid naman na sina Mayor Emi Calixto-Rubiano (86%) at Cong. Tony Calixto (89%) ng Pasay City ay namamayagpag sa latest at inaasahan na mananatili sa kani-kanilang pwesto. Ang iba pang nangunguna sa karera para sa mga Mayor ay sina Mel Aguilar (92%) ng Las Piñas, Abby Binay (97%) ng Makati, Marcy Teodoro (57%) ng Marikina, Vico Sotto (65%) ng Pasig, Ike Ponce (85%) ng Pateros, at Francis Zamora (94%) ng San Juan.